Hindi Kami nagbababa ng mga anghel malibang kalakip ng katotohanan; at hindi sila, samakatuwid, naging mga ipinagpapaliban. Al-Ḥijr 15:8 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi si Allāh bilang pagtugon sa iminungkahi nila na pagdating ng mga anghel: "Hindi Kami nagbababa ng mga anghel malibang sang-ayon sa hinihiling ng karunungan kapag sumasapit ang pagpapahamak sa inyo sa pamamagitan ng pagdurusa. Hindi sila – kapag naghatid Kami ng mga anghel at hindi sila sumampalataya – mga palulugitan; bagkus mamadaliin sila sa parusa."