Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan. Tunay na ang Huling Sandali ay talagang darating kaya magpalampas ka nang pagpapalampas na marilag. Al-Ḥijr 15:85 ⧉
Tafsīr:
Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at hindi Kami lumikha ng anumang nasa pagitan ng mga ito nang walang-kabuluhan, nang walang kasanhian. Hindi Kami lumikha ng lahat ng iyon malibang ayon sa katotohanan. Tunay na ang Huling Sandali ay talagang darating na walang pasubali. Kaya umayaw ka, O Sugo, sa mga tagapagpasinungaling sa iyo at magpaumanhin ka sa kanila nang isang pagpapaumanhing maganda.