Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 103 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 103 sa 128 • Tagalog


وَلَقَدْ نَعْلَمُ أَنَّهُمْ يَقُولُونَ إِنَّمَا يُعَلِّمُهُ بَشَرٌ ۗ لِسَانُ الَّذِي يُلْحِدُونَ إِلَيْهِ أَعْجَمِيٌّ وَهَٰذَا لِسَانٌ عَرَبِيٌّ مُبِينٌ 103
Pagsasalin:
Talaga ngang nakaaalam Kami na sila ay nagsasabi: “Tinuturuan lamang siya ng isang tao.” Ang dila ng ipinasasaring nila ay banyaga samantalang [ang Qur’ān na] ito ay isang dilang Arabeng malinaw.” An-Naḥl 16:103
Tafsīr:
Kami ay nakaaalam na ang mga tagapagtambal ay nagsasabi: "Tunay na si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – ay tinuturuan lamang ng Qur'ān ng isang tao." Sila ay mga sinungaling sa pahayag nila sapagkat ang wika ng inaakala nila na iyon ay nagtuturo sa kanya ay banyaga samantalang ang Qur'ān na ito ay ibinaba sa isang dilang Arabeng maliwanag na may retorikang mataas, kaya papaanong nag-aakala sila na siya ay nakatanggap nito mula sa isang banyaga?"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 102 Susunod An-Naḥl • Talata 104