Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 119 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 119 sa 128 • Tagalog


ثُمَّ إِنَّ رَبَّكَ لِلَّذِينَ عَمِلُوا السُّوءَ بِجَهَالَةٍ ثُمَّ تَابُوا مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ وَأَصْلَحُوا إِنَّ رَبَّكَ مِنْ بَعْدِهَا لَغَفُورٌ رَحِيمٌ 119
Pagsasalin:
Pagkatapos tunay na ang Panginoon mo para sa mga gumawa ng kasagwaan dahil sa kamangmangan, pagkatapos nagbalik-loob sila matapos na niyon at nagsaayos sila, tunay na ang Panginoon mo matapos na niyon ay talagang Mapagpatawad, Maawain. An-Naḥl 16:119
Tafsīr:
Pagkatapos tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, para sa mga gumawa ng mga masagwa dala ng kamangmangan sa kahihinatnan ng mga iyon kahit pa man nangyaring sila ay mga nananadya, pagkatapos nagbalik-loob sila kay Allāh matapos na gumawa sila ng mga masagwa at nagsaayos ng mga gawain nila na may katiwalian, tunay na ang Panginoon mo noong matapos ng pagbabalik-loob ay talagang Mapagpatawad sa mga pagkakasala nila, Maawain sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 118 Susunod An-Naḥl • Talata 120