Magtiis ka at walang iba ang pagtitiis mo kundi sa pamamagitan ni Allāh. Huwag kang malungkot para sa kanila at huwag kang maging nasa isang paninikip [ng dibdib] mula sa anumang ipinakakana nila. An-Naḥl 16:127 ⧉
Tafsīr:
Magtiis ka, O Sugo, sa tumatama sa iyo na pananakit nila. Walang iba ang pagtutuon sa iyo sa pagtitiis malibang sa pamamagitan ng pagtutuon ni Allāh para sa iyo. Huwag kang malungkot dahil sa pag-ayaw sa iyo ng mga tagatangging sumampalataya. Huwag manikip ang dibdib mo dahilan sa isinasagawa nila na panlalansi at pakana.