Ang mga dinadalanginan nila bukod pa kay Allāh ay hindi lumilikha ng anuman samantalang ang mga ito ay nililikha. An-Naḥl 16:20 ⧉
Tafsīr:
Ang mga sinasamba ng mga tagapagtambal bukod pa kay Allāh ay hindi lumilikha ng anuman kahit pa kaunti. Ang mga sumasamba sa mga ito bukod pa kay Allāh ay ang mga yumayari sa mga ito, kaya papaanong sumasamba sila sa bukod pa kay Allāh ng anumang niyayari nila na mga anito sa pamamagitan ng mga kamay nila?