Kapag sinabi sa kanila: “Ano ang pinababa ng Panginoon ninyo?” ay magsasabi sila: “Mga alamat ng mga sinauna,” An-Naḥl 16:24 ⧉
Tafsīr:
Kapag sinabi sa mga nagkakailang ito sa kaisahan ng Tagalikha at nagpapasinungaling sa pagkabuhay: "Ano ang pinababa ni Allāh kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan?" ay magsasabi sila: "Hindi Siya nagbaba rito ng anuman. Naghatid lamang ito mula sa sarili nito ng mga kuwento ng mga sinauna at mga kasinungalingan nila."