Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 27 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 27 sa 128 • Tagalog


ثُمَّ يَوْمَ الْقِيَامَةِ يُخْزِيهِمْ وَيَقُولُ أَيْنَ شُرَكَائِيَ الَّذِينَ كُنْتُمْ تُشَاقُّونَ فِيهِمْ ۚ قَالَ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ إِنَّ الْخِزْيَ الْيَوْمَ وَالسُّوءَ عَلَى الْكَافِرِينَ 27
Pagsasalin:
Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay magpapahiya Siya sa kanila at magsasabi Siya: “Nasaan na ang mga katambal [na itinambal ninyo] sa Akin na kayo dati ay nakikipaghidwaan dahil sa kanila?” Magsasabi ang mga binigyan ng kaalaman: “Tunay na ang kahihiyan sa Araw na ito at ang kasagwaan ay ukol sa mga tagatangging sumampalataya, An-Naḥl 16:27
Tafsīr:
Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay mang-aaba sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng pagdurusa, manghahamak Siya sa kanila sa pamamagitan nito, at magsasabi Siya sa kanila: "Nasaan na ang mga katambal sa Akin na kayo noon ay nagtatambal kasama sa Akin sa pagsamba at kayo noon ay nangangaway ng mga propeta Ko at mga mananampalataya dahilan sa kanila?" Magsasabi ang mga nakaalam na mga makapanginoon: "Tunay na ang kaabahan at ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay babagsak sa mga tagatangging sumampalataya,
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 26 Susunod An-Naḥl • Talata 28