Kaya magsipasok kayo sa mga pinto ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Saka talagang kay saklap ang tuluyan ng mga nagpapakamalaki! An-Naḥl 16:29 ⧉
Tafsīr:
Sasabihin sa kanila: "Magsipasok kayo alinsunod sa mga gawa ninyo sa mga pinto ng Impiyerno bilang mga mamamalagi roon magpakailanman. Saka talagang sumagwa ito bilang isang tuluyan para sa mga nagpapakamalaki palayo sa pananampalataya kay Allāh at sa pagsamba sa Kanya lamang."