Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 33 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 33 sa 128 • Tagalog


هَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا أَنْ تَأْتِيَهُمُ الْمَلَائِكَةُ أَوْ يَأْتِيَ أَمْرُ رَبِّكَ ۚ كَذَٰلِكَ فَعَلَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ وَمَا ظَلَمَهُمُ اللَّهُ وَلَٰكِنْ كَانُوا أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ 33
Pagsasalin:
Naghihintay kaya sila maliban pa na pumunta sa kanila ang mga anghel o pumunta sa kanila ang utos ng Panginoon mo? Gayon gumawa ang mga nauna pa sa kanila. Hindi lumabag sa kanila si Allāh sa katarungan subalit sila dati sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan. An-Naḥl 16:33
Tafsīr:
Naghihintay kaya ang mga tagapagtambal na mga tagapagpasinungaling na ito maliban pa na pumunta sa kanila ang Anghel ng Kamatayan at ang mga tagatulong nito kabilang sa mga anghel para kumuha ng mga kaluluwa nila at humambalos ng mga mukha nila at mga likod nila, o pumunta sa kanila ang utos ni Allāh na pagpuksa sa kanila sa pamamagitan ng pagdurusa sa Mundo? Tulad ng gawaing ito na ginagawa ng mga tagapagtambal sa Makkah, gumawa nito ang mga tagapagtambal na nauna sa kanila kaya nagpahamak sa mga iyon si Allāh. Hindi lumabag si Allāh sa katarungan sa kanila nang nagpahamak Siya sa kanila, subalit sila dati sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 32 Susunod An-Naḥl • Talata 34