Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 41 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 41 sa 128 • Tagalog


وَالَّذِينَ هَاجَرُوا فِي اللَّهِ مِنْ بَعْدِ مَا ظُلِمُوا لَنُبَوِّئَنَّهُمْ فِي الدُّنْيَا حَسَنَةً ۖ وَلَأَجْرُ الْآخِرَةِ أَكْبَرُ ۚ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ 41
Pagsasalin:
Ang mga lumikas alang-alang kay Allāh matapos na nilabag sila sa katarungan ay talagang magpapatahan nga Kami sa kanila sa Mundo nang maganda. Talagang ang gantimpala sa Kabilang-buhay ay higit na malaki kung sakaling sila dati ay nakaaalam. An-Naḥl 16:41
Tafsīr:
Ang mga nag-iwan sa mga tahanan nila, mga mag-anak nila, at mga yaman nila bilang mga lumilikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya tungo sa bayan ng Islām sa paghahangad ng kaluguran ni Allāh noong matapos na nagparusa sa kanila ang mga tagatangging sumampalataya at gumipit sa kanila ay talagang magpapatuloy nga Kami sa kanila sa Mundo sa isang tahanang sila roon ay magiging mga marangal. Talagang ang gantimpala sa Kabilang-buhay ay higit na dakila dahil bahagi nito ang Paraiso. Kung sakaling ang mga nagpapaiwan sa paglikas ay nakaaalam sa gantimpala ng mga lumikas, talaga sanang hindi sila nagpaiwan doon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 40 Susunod An-Naḥl • Talata 42