Kay Allāh nagpapatirapa ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa na gumagalaw na nilalang, at ang mga anghel habang sila ay hindi nagmamalaki. An-Naḥl 16:49 ⧉
Tafsīr:
Kay Allāh lamang nagpapatirapa ang lahat ng nasa mga langit at ang lahat ng nasa lupa na gumagalaw na nilalang, at sa Kanya lamang nagpapatirapa ang mga anghel habang sila ay hindi nagmamalaki para umayaw sa pagsamba kay Allāh at sa pagtalima sa Kanya.