Ang anumang nasa inyo na biyaya ay mula kay Allāh. Pagkatapos kapag sumaling sa inyo ang kapinsalaan ay sa Kanya kayo lumuluhog. An-Naḥl 16:53 ⧉
Tafsīr:
Ang anumang nasa inyo, O mga tao, na biyayang panrelihiyon o pangmundo ay mula kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – hindi mula sa iba pa sa Kanya. Pagkatapos kapag may tumama sa inyo na pagsubok o karamdaman o karalitaan ay sa Kanya lamang kayo nagsusumamo sa panalangin upang pumawi Siya sa inyo ng tumama sa inyo. Kaya ang sinumang nagkakaloob ng mga biyaya at pumapawi sa mga kamalasan ay ang kinakailangan na sambahin – tanging Siya.