Nagdadala ang mga ito ng mga pasanin ninyo tungo sa isang bayang hindi kayo aabot doon malibang may hirap ng mga sarili. Tunay na ang Panginoon ninyo ay talagang Mahabagin, Maawain. An-Naḥl 16:7 ⧉
Tafsīr:
Nagdadala ang mga hayupang ito na nilikha Namin para sa inyo ng mga dala-dalahan ninyong mabigat sa mga paglalakbay ninyo tungo sa isang bayang hindi kayo makararating doon malibang may isang mabigat na hirap sa mga sarili. Tunay na ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay talagang Mahabagin, Maawain sa inyo yayamang pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga hayupang ito.