Kaya huwag kayong maglahad para kay Allāh ng mga paghahalintulad. Tunay na si Allāh ay nakaaalam samantalang kayo ay hindi nakaaalam. An-Naḥl 16:74 ⧉
Tafsīr:
Kaya huwag kayong gumawa, O mga tao, para kay Allāh ng mga wangis kabilang sa mga anitong ito na hindi nakapagpapakinabang ni nakapipinsala sapagkat si Allāh ay walang kawangis upang magtambal kayo nito kasama sa Kanya sa pagsamba. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang taglay Niya na mga katangian ng kapitaganan at kalubusan samantalang kayo ay hindi nakaaalam niyon, saka nasasadlak kayo sa pagtatambal sa Kanya at sa pag-aangkin ng pagtutulad sa Kanya sa mga anito ninyo.