Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 1 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 1 sa 111 • Tagalog


سُبْحَانَ الَّذِي أَسْرَىٰ بِعَبْدِهِ لَيْلًا مِنَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ إِلَى الْمَسْجِدِ الْأَقْصَى الَّذِي بَارَكْنَا حَوْلَهُ لِنُرِيَهُ مِنْ آيَاتِنَا ۚ إِنَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْبَصِيرُ 1
Pagsasalin:
Kaluwalhatian sa Kanya na nagpalakbay sa Lingkod Niya isang gabi mula sa Masjid na Pinakababanal [sa Jerusalem] patungo sa Masjid na Pinakamalayo, na pinagpala Namin ang palibot nito upang magpakita Kami sa kanya ng ilan sa mga tanda Namin. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita. Al-Isrā’ 17:1
Tafsīr:
Nagpawalang-kapintasan si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – at nagpakadakila Siya dahil sa kakayahan Niya sa anumang hindi nakakaya ng isang iba pa sa Kanya. Si Allāh ang nagpalakbay sa Lingkod Niyang si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – sa kaluluwa at katawan habang gising sa isang bahagi ng gabi mula sa Masjid na Pinakababanal [sa Makkah] patungo sa Masjid ng Jerusalem, na pinagpala Niya ang palibot nito sa pamamagitan ng mga bunga at mga pananim at mga tahanan ng mga propeta – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – upang makita niya ang ilan sa mga tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Tunay na Siya ay ang Madinigin kaya walang nakakukubli sa Kanya na isang naririnig, ang Nakakikita kaya walang nakakukubli sa Kanya na isang nakikita.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 128 Susunod Al-Isrā’ • Talata 2