Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 13 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 13 sa 111 • Tagalog


وَكُلَّ إِنْسَانٍ أَلْزَمْنَاهُ طَائِرَهُ فِي عُنُقِهِ ۖ وَنُخْرِجُ لَهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ كِتَابًا يَلْقَاهُ مَنْشُورًا 13
Pagsasalin:
Sa bawat tao ay nagdikit Kami ng gawain niya sa leeg niya at magpapalabas Kami para sa kanya sa Araw ng Pagbangon ng isang talaang masusumpungan niyang nakabuklat. Al-Isrā’ 17:13
Tafsīr:
Sa bawat tao ay gumawa Kami ng gawain niyang namumutawi sa kanya na nakadikit sa kanya gaya ng pagkakadikit ng kuwintas sa leeg, na hindi nahihiwalay sa Kanya hanggang sa tuusin siya rito. Magpapalabas Kami para sa kanya sa Araw ng Pagbangon ng isang talaang naroon ang lahat ng ginawa niya na kabutihan at kasamaan, na matatagpuan niya sa harapan niya na nakabukas at nakalatag.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 12 Susunod Al-Isrā’ • Talata 14