Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 15 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 15 sa 111 • Tagalog


مَنِ اهْتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهْتَدِي لِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ ضَلَّ فَإِنَّمَا يَضِلُّ عَلَيْهَا ۚ وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزْرَ أُخْرَىٰ ۗ وَمَا كُنَّا مُعَذِّبِينَ حَتَّىٰ نَبْعَثَ رَسُولًا 15
Pagsasalin:
Ang sinumang napatnubayan ay napatnubayan lamang para sa [pakinabang ng] sarili niya at ang sinumang naligaw ay naligaw lamang laban dito. Hindi papasanin ng isang tagapasan ang pasanin ng iba. Hindi Kami magpaparusa hanggang sa magpadala Kami ng isang sugo. Al-Isrā’ 17:15
Tafsīr:
Ang sinumang napatnubayan tungo sa pananampalataya, ang gantimpala ng kapatnubayan niya ay para sa sarili niya; at ang sinumang naligaw, ang parusa sa pagkaligaw niya ay laban sa kanya. Hindi magpapasan ang isang kaluluwa ng pagkakasala ng ibang kaluluwa. Hindi Kami magpaparusa sa mga tao hanggang sa maglahad Kami laban sa kanila ng katwiran sa pamamagitan ng pagsusugo ng mga sugo sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 14 Susunod Al-Isrā’ • Talata 16