Ang Panginoon ninyo ay higit na maalam sa anumang nasa mga sarili ninyo. Kung kayo ay magiging mga maayos, tunay na Siya laging sa mga palabalik [sa pagsisisi] ay Mapagpatawad. Al-Isrā’ 17:25 ⧉
Tafsīr:
Ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay higit na maalam sa anumang nasa mga budhi ninyo na pagpapakawagas sa Kanya sa pagsamba, mga gawain ng kabutihan, at pagpapakabuti sa mga magulang. Kaya kung ang mga layunin ninyo sa pagsamba ninyo at pakikitungo ninyo sa mga magulang ninyo at iba sa kanilang dalawa ay naging maayos, tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – laging sa mga palabalik sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabalik-loob ay Mapagpatawad, sapagkat ang sinumang nagbalik-loob mula sa naunang pagkukulang nito sa pagtalima nito sa Panginoon nito o sa mga magulang nito ay magpapatawad si Allāh dito.