Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 27 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 27 sa 111 • Tagalog


إِنَّ الْمُبَذِّرِينَ كَانُوا إِخْوَانَ الشَّيَاطِينِ ۖ وَكَانَ الشَّيْطَانُ لِرَبِّهِ كَفُورًا 27
Pagsasalin:
Tunay na ang mga tagapagwaldas ay laging mga kapatid ng demonyo. Ang demonyo sa Panginoon niya ay laging mapagtangging magpasalamat. Al-Isrā’ 17:27
Tafsīr:
Tunay na ang mga tagapaggugol ng mga yaman nila sa mga pagsuway at ang mga tagapag-aksaya sa paggugol ay laging mga kapatid ng demonyo. Tumatalima sila sa mga iyon sa ipinag-uutos ng mga iyon sa kanila na pagwawaldas at pag-aaksaya. Ang demonyo sa Panginoon niya ay laging mapagtangging magpasalamat sapagkat hindi gumagawa iyon kundi ng anumang may pagsuway at hindi nag-uutos iyon kundi ng anumang ikinaiinis ng Panginoon niyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 26 Susunod Al-Isrā’ • Talata 28