Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 31 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 31 sa 111 • Tagalog


وَلَا تَقْتُلُوا أَوْلَادَكُمْ خَشْيَةَ إِمْلَاقٍ ۖ نَحْنُ نَرْزُقُهُمْ وَإِيَّاكُمْ ۚ إِنَّ قَتْلَهُمْ كَانَ خِطْئًا كَبِيرًا 31
Pagsasalin:
Huwag kayong pumatay ng mga anak ninyo dala ng takot sa isang paghihikahos. Kami ay magtutustos sa kanila at sa inyo. Tunay na ang pagpatay sa kanila ay laging isang pagkakamaling malaki. Al-Isrā’ 17:31
Tafsīr:
Huwag kayong pumatay ng mga anak ninyo dala ng isang pangamba sa karalitaan sa hinaharap kapag gumugol kayo sa kanila. Kami ay naggagarantiya sa pagtutustos sa kanila at naggagarantiya sa pagtutustos sa inyo mismo. Tunay na ang pagpatay sa kanila ay laging isang kasalanang malaki yayamang walang pagkakasala para sa kanila at walang dahilang humihiling ng pag-oobliga sa pagpatay sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 30 Susunod Al-Isrā’ • Talata 32