Iyon ay kabilang sa ikinasi sa iyo ng Panginoon mo na karunungan. Huwag kang gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa sapagkat maipupukol ka sa Impiyerno bilang sinisising pinalalayas [buhat sa bawat mabuti]. Al-Isrā’ 17:39 ⧉
Tafsīr:
Yaong ipinaliwanag na mga pag-uutos, mga pagsaway, at mga patakaran ay kabilang sa karunungan na ikinasi sa iyo ng Panginoon mo. Huwag kang gumawa, O Sugo, kasama kay Allāh ng isang sinasambang iba pa para maitapon ka sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon bilang sinisising sinisisi ka ng sarili mo at sinisisi ka ng mga tao at bilang itinataboy palayo sa bawat kabutihan.