Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 42 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 42 sa 111 • Tagalog


قُلْ لَوْ كَانَ مَعَهُ آلِهَةٌ كَمَا يَقُولُونَ إِذًا لَابْتَغَوْا إِلَىٰ ذِي الْعَرْشِ سَبِيلًا 42
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Kung sakaling kasama sa Kanya ay may mga diyos gaya ng sinasabi nila, samakatuwid, talaga sanang naghangad sila tungo sa May trono ng isang landas.” Al-Isrā’ 17:42
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Kung sakaling kasama kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ay may mga iba pang sinasamba gaya ng sinasabi nila bilang paggawa-gawa at bilang pagsisinungaling, samakatuwid, talaga sanang hinilingan ang mga inaakalang sinasambang iyon ng isang daan tungo kay Allāh na May trono, upang makipanaig ang mga ito sa Kanya sa kaharian Niya at makipagtunggali ang mga ito sa Kanya roon."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 41 Susunod Al-Isrā’ • Talata 43