Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 64 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 64 sa 111 • Tagalog


وَاسْتَفْزِزْ مَنِ اسْتَطَعْتَ مِنْهُمْ بِصَوْتِكَ وَأَجْلِبْ عَلَيْهِمْ بِخَيْلِكَ وَرَجِلِكَ وَشَارِكْهُمْ فِي الْأَمْوَالِ وَالْأَوْلَادِ وَعِدْهُمْ ۚ وَمَا يَعِدُهُمُ الشَّيْطَانُ إِلَّا غُرُورًا 64
Pagsasalin:
Mang-uto ka sa sinumang makakaya mo kabilang sa kanila sa pamamagitan ng tinig mo. Sumigaw ka sa kanila sa pamamagitan ng nangangabayong hukbo mo at naglalakad na hukbo mo. Makilahok ka sa kanila sa mga yaman at mga anak. Mangako ka sa kanila.” Hindi nangangako sa kanila ang demonyo kundi ng isang panlilinlang. Al-Isrā’ 17:64
Tafsīr:
Mangmata ka sa sinumang makakaya mo na matahin kabilang sa kanila sa pamamagitan ng tinig mo patungo sa pagsuway. Humiyaw ka sa kanila sa pamamagitan ng mga hukbong-kabayuhan mo at mga hukbong-lakad mo na mga nag-aanyaya sa pagtalima sa iyo. Makilahok ka sa kanila sa mga yaman nila sa pamamagitan ng pag-akit sa bawat gawaing sumasalungat sa Batas. Makilahok ka sa kanila sa mga anak nila sa pamamagitan ng pag-aangkin nila ng kasinungalingan, pagpapatamo ng mga anak sa pamamagitan ng pangangalunya, at pagpapaalipin sa mga ito sa iba pa kay Allāh sa pagpapangalan. Mang-akit ka sa kanila ng mga pangakong sinungaling at mga mithiing bulaan." Hindi nangangako sa kanila ang demonyo maliban ng mga pangakong sinungaling na dumadaya sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 63 Susunod Al-Isrā’ • Talata 65