Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 78 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 78 sa 111 • Tagalog


أَقِمِ الصَّلَاةَ لِدُلُوكِ الشَّمْسِ إِلَىٰ غَسَقِ اللَّيْلِ وَقُرْآنَ الْفَجْرِ ۖ إِنَّ قُرْآنَ الْفَجْرِ كَانَ مَشْهُودًا 78
Pagsasalin:
Magpanatili ka ng pagdarasal mula sa paglilis [sa rurok] ng araw hanggang sa pagpusikit ng gabi at ng [pagbigkas ng] Qur’ān sa madaling-araw; tunay na ang [pagbigkas ng] Qur’ān sa madaling-araw ay laging sinasaksihan [ng mga anghel]. Al-Isrā’ 17:78
Tafsīr:
Magpanatili ka ng pagdarasal sa pamamagitan ng pagsasagawa nito ayon sa pinakalubos na paraan sa mga oras nito mula sa paglilis ng araw palayo sa rurok ng langit. Sumasaklaw iyon sa pagdarasal ng dhuhr at `aṣr hanggang sa pagdilim ng gabi, na sumasaklaw sa pagdarasal ng maghrib at `ishā'. Magpanatili ka ng pagdarasal ng fajr at magpahaba ka ng pagbigkas [ng Qur’ān] dito sapagkat ang pagdarasal ng fajr ay dinadaluhan ng mga anghel ng gabi at mga anghel ng maghapon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 77 Susunod Al-Isrā’ • Talata 79