Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 8 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 8 sa 111 • Tagalog


عَسَىٰ رَبُّكُمْ أَنْ يَرْحَمَكُمْ ۚ وَإِنْ عُدْتُمْ عُدْنَا ۘ وَجَعَلْنَا جَهَنَّمَ لِلْكَافِرِينَ حَصِيرًا 8
Pagsasalin:
Inaasahan ang Panginoon ninyo na maawa sa inyo. Kung manunumbalik kayo ay manunumbalik Kami. Gumawa Kami sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya bilang kulungan. Al-Isrā’ 17:8
Tafsīr:
Inaasahan ang Panginoon ninyo, O mga anak ni Israel, na maawa sa inyo matapos ng matinding paghihiganting ito, kung magbabalik-loob kayo sa Kanya kayo at magpapaganda kayo ng mga gawain ninyo. Kung babalik kayo sa panggugulo sa ikatlong pagkakataon o higit pa ay babalik Siya sa paghihiganti sa inyo. Gumawa si Allāh sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya sa Kanya bilang higaan at bilang himlayang hindi nila maiiwan-iwan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 7 Susunod Al-Isrā’ • Talata 9