Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 82 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 82 sa 111 • Tagalog


وَنُنَزِّلُ مِنَ الْقُرْآنِ مَا هُوَ شِفَاءٌ وَرَحْمَةٌ لِلْمُؤْمِنِينَ ۙ وَلَا يَزِيدُ الظَّالِمِينَ إِلَّا خَسَارًا 82
Pagsasalin:
Nagbababa Kami mula sa Qur’ān ng siyang pagpapagaling at awa para sa mga mananampalataya, at walang naidaragdag ito sa mga tagalabag sa katarungan kundi isang pagkalugi. Al-Isrā’ 17:82
Tafsīr:
Nagbababa Kami mula sa Qur’ān ng pagpapagaling para sa mga puso mula sa kamangmangan, kawalang-pananampalataya, at pagdududa; ng pagpapagaling sa mga katawan kapag ginamit ito sa ruqyah; at ng awa para sa mga mananampalatayang nagsasagawa nito. Walang naidaragdag ang Qur'ān na ito sa mga tagatangging sumampalataya kundi isang kapahamakan dahil ang pagkarinig dito ay nagpapangitngit sa kanila at nakadaragdag sa kanila ng pagpapasinungaling at pag-ayaw rito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 81 Susunod Al-Isrā’ • Talata 83