Nagsabi sila: “Hindi kami maniniwala sa iyo hanggang sa magpabulwak ka para sa amin mula sa lupa ng isang batis; Al-Isrā’ 17:90 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang mga tagapagtambal: "Hindi kami sasampalataya sa iyo hanggang sa magpalabas ka para sa amin mula sa lupain ng Makkah ng isang bukal na dumadaloy na hindi natutuyot;