Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 93 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 93 sa 111 • Tagalog


أَوْ يَكُونَ لَكَ بَيْتٌ مِنْ زُخْرُفٍ أَوْ تَرْقَىٰ فِي السَّمَاءِ وَلَنْ نُؤْمِنَ لِرُقِيِّكَ حَتَّىٰ تُنَزِّلَ عَلَيْنَا كِتَابًا نَقْرَؤُهُ ۗ قُلْ سُبْحَانَ رَبِّي هَلْ كُنْتُ إِلَّا بَشَرًا رَسُولًا 93
Pagsasalin:
o magkaroon ka ng isang bahay yari sa ginto o umakyat ka sa langit at hindi kami maniniwala sa pag-akyat mo hanggang sa magbaba ka sa amin ng isang aklat na babasahin namin.” Sabihin mo: “Kaluwalhatian sa Panginoon ko; ako kaya ay naging maliban pa sa isang mortal na sugo?” Al-Isrā’ 17:93
Tafsīr:
o magkaroon ka ng isang bahay na napapalamutian ng ginto at iba pa o pumanik ka sa langit. Hindi kami sasampalataya na ikaw ay isinugo kahit pumanik ka pa roon maliban kapag nagbaba ka ng isang aklat mula sa ganang kay Allāh na sinulatan, na mababasa namin na nakasaad doon na ikaw ay Sugo ni Allāh." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kaluwalhatian sa Panginoon ko! Walang iba ako kundi isang taong sugo gaya ng lahat ng mga sugo. Hindi ako nakakakaya ng paglalahad ng isang bagay kaya papaanong ukol sa akin na maghatid ako ng iminungkahi ninyo?"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 92 Susunod Al-Isrā’ • Talata 94