Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 95 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 95 sa 111 • Tagalog


قُلْ لَوْ كَانَ فِي الْأَرْضِ مَلَائِكَةٌ يَمْشُونَ مُطْمَئِنِّينَ لَنَزَّلْنَا عَلَيْهِمْ مِنَ السَّمَاءِ مَلَكًا رَسُولًا 95
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Kung sakaling sa lupa ay may mga anghel na naglalakad na mga napapanatag ay talaga sanang nagbaba Kami sa kanila mula sa langit ng isang anghel na sugo.” Al-Isrā’ 17:95
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, bilang tugon sa kanila: "Kung sakaling nangyaring sa lupa ay may mga anghel na nakatira at naglalakad na mga napapanatag gaya ng kalagayan ninyo ay talaga sanang nagpadala Kami sa kanila ng isang sugong anghel kabilang sa uri nila dahil siya ay ang nakakakaya na magpaintindi sa kanila ng ipinasugo sa kanya sapagkat hindi bahagi ng karunungan na magsugo Kami sa kanila ng isang sugong kabilang sa uri ng mga tao. Gayon ang kalagayan ninyo mismo."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 94 Susunod Al-Isrā’ • Talata 96