Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 99 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 99 sa 111 • Tagalog


أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّ اللَّهَ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ قَادِرٌ عَلَىٰ أَنْ يَخْلُقَ مِثْلَهُمْ وَجَعَلَ لَهُمْ أَجَلًا لَا رَيْبَ فِيهِ فَأَبَى الظَّالِمُونَ إِلَّا كُفُورًا 99
Pagsasalin:
Hindi ba sila nakakita na si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa ay nakakakaya na lumikha ng tulad nila. Gumawa Siya para sa kanila ng isang taning na walang pag-aalinlangan dito ngunit tumanggi [sa anuman] ang mga tagalabag sa katarungan maliban sa pagkawalang-pananampalataya. Al-Isrā’ 17:99
Tafsīr:
Hindi ba nakaalam ang mga tagapagkailang ito ng pagkabuhay na si Allāh na lumikha sa mga langit at lupa sa kabila ng kalakihan ng mga ito ay nakakakaya na lumikha ng tulad nila sapagkat ang sinumang nakakaya sa paglikha ng isang malaki ay nakakakaya sa paglikha ng maliit pa roon. Gumawa nga si Allāh para sa kanila sa Mundo ng isang oras na tinakdaan na magwawakas doon ang buhay nila at gumawa Siya para sa kanila ng isang taning para sa pagbubuhay sa kanila, na walang pagdududa hinggil doon. Sa kabila ng paglitaw ng mga patunay sa pagkabuhay, tumanggi [sa anuman] ang mga tagapagtambal maliban sa pagkakaila sa pagkabuhay sa kabila ng kaliwanagan ng mga patunay rito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 98 Susunod Al-Isrā’ • Talata 100