Kaya nag-akala ba ang mga tumangging sumampalataya [kay Allāh] na makagawa sila sa mga alipin Ko bukod pa sa Akin bilang mga katangkilik? Tunay na Kami ay naglaan sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya bilang tuluyan. Al-Kahf 18:102 ⧉
Tafsīr:
Kaya nagpalagay ba ang mga tumangging sumampalataya sa Akin na makagawa sila sa mga alipin Ko na mga anghel, mga sugo, at mga demonyo bilang mga sinasamba bukod pa sa Akin? Tunay na Kami ay naglaan sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya bilang tahanan para sa pananatili nila.