Ang mga iyon ay ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon nila at pakikipagkita sa Kanya kaya nawalang-kabuluhan ang mga gawain nila saka hindi Kami mag-uukol para sa kanila sa Araw ng Pagbangon ng isang timbang. Al-Kahf 18:105 ⧉
Tafsīr:
Ang mga iyon ay ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon nila na nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya at tumangging sumampalataya sa pakikipagkita sa Kanya kaya napawalang-saysay ang mga gawain nila dahil sa kawalang-pananampalataya nila sa mga iyon saka walang ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon na isang halaga sa ganang kay Allāh.