Sabihin mo: “Kung sakaling ang dagat ay tinta para sa mga salita ng Panginoon ko, talaga sanang naubos ang dagat bago maubos [isulat] ang mga salita ng Panginoon ko, kahit pa naghatid kami ng tulad nito na tinta.” Al-Kahf 18:109 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ang mga salita ng Panginoon ko ay marami kaya kung sakaling ang dagat ay tinta para sa mga ito na ipanunulat, talaga sanang nagwakas ang tubig ng dagat bago magwakas ang mga salita Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Kung sakaling nagdala kami ng [tinta na singdami ng] mga iba pang dagat, talaga sanang naubos ang mga ito."