Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Kahf — Talata 17 (Tagalog) — Bidyo

Al-Kahf • Talata 17 sa 110 • Tagalog


وَتَرَى الشَّمْسَ إِذَا طَلَعَتْ تَزَاوَرُ عَنْ كَهْفِهِمْ ذَاتَ الْيَمِينِ وَإِذَا غَرَبَتْ تَقْرِضُهُمْ ذَاتَ الشِّمَالِ وَهُمْ فِي فَجْوَةٍ مِنْهُ ۚ ذَٰلِكَ مِنْ آيَاتِ اللَّهِ ۗ مَنْ يَهْدِ اللَّهُ فَهُوَ الْمُهْتَدِ ۖ وَمَنْ يُضْلِلْ فَلَنْ تَجِدَ لَهُ وَلِيًّا مُرْشِدًا 17
Pagsasalin:
[Kung sakaling naroon ka,] makikita mo ang araw, kapag lumitaw iyon, na humihilig palayo sa yungib nila sa gawing kanan, at kapag lumubog iyon, na lumalampas sa kanila sa gawing kaliwa habang sila ay nasa isang puwang mula roon. Iyon ay kabilang sa mga tanda ni Allāh. Ang sinumang pinapatnubayan ni Allāh ay siya ang napapatnubayan. Ang sinumang pinaliligaw Niya ay hindi ka makatatagpo para rito ng isang katangkilik na tagagabay [sa kapatnubayan]. Al-Kahf 18:17
Tafsīr:
Kaya sumunod sila sa ipinag-utos sa kanila. Nagsanhi si Allāh ng pagkatulog sa kanila at nangalaga Siya sa kanila laban sa kaaway nila. Makikita mo, O tagapanood sa kanila, ang araw, kapag lumitaw iyon sa silangan niyon, na kumikiling palayo sa yungib nila sa dakong kanan ng papasok dito, at kapag lumubog iyon sa sandali ng paglubog niyon, na lumilihis palayo sa yungib sa dakong kaliwa niyon kaya hindi tumatama iyon dito. Sila ay nasa isang lilim na palagian, na hindi nakasasakit sa kanila ang init ng araw habang sila ay nasa isang kalawakan ng yungib. Naidudulot sa kanila mula sa hangin ang kinakailangan nila. Ang nangyayaring iyon sa kanila na pagkakanlong sa kanila sa yungib, ang pagsasanhi ng pagkatulog para sa kanila, ang paglihis ng araw palayo sa kanila, ang paglawak ng pook nila, at ang pagliligtas sa kanila laban sa mga kababayan nila ay kabilang sa mga kataka-taka mula sa gawa ni Allāh, na nagpapatunay sa kakayahan Niya. Ang sinumang itinuon ni Allāh sa daan ng kapatnubayan ay ito ang napapatnubayan nang totohanan. Ang sinumang binigo Niya roon at pinaligaw Niya ay hindi ka makatatagpo para rito ng isang tagapag-adya na magtutuon dito sa kapatnubayan at maggagabay dito roon dahil ang kapatnubayan ay nasa kamay ni Allāh at hindi nasa kamay nito mismo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Kahf • Talata 16 Susunod Al-Kahf • Talata 18