Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Kahf — Talata 19 (Tagalog) — Bidyo

Al-Kahf • Talata 19 sa 110 • Tagalog


وَكَذَٰلِكَ بَعَثْنَاهُمْ لِيَتَسَاءَلُوا بَيْنَهُمْ ۚ قَالَ قَائِلٌ مِنْهُمْ كَمْ لَبِثْتُمْ ۖ قَالُوا لَبِثْنَا يَوْمًا أَوْ بَعْضَ يَوْمٍ ۚ قَالُوا رَبُّكُمْ أَعْلَمُ بِمَا لَبِثْتُمْ فَابْعَثُوا أَحَدَكُمْ بِوَرِقِكُمْ هَٰذِهِ إِلَى الْمَدِينَةِ فَلْيَنْظُرْ أَيُّهَا أَزْكَىٰ طَعَامًا فَلْيَأْتِكُمْ بِرِزْقٍ مِنْهُ وَلْيَتَلَطَّفْ وَلَا يُشْعِرَنَّ بِكُمْ أَحَدًا 19
Pagsasalin:
Gayon din, pumukaw Kami sa kanila upang magtanungan sila sa pagitan nila. May nagsabing isang tagapagsabi kabilang sa kanila: “Gaano katagal kayo namalagi?” Nagsabi sila: “Namalagi kami nang isang araw o isang bahagi ng araw.” Nagsabi pa sila: “Ang Panginoon ninyo ay higit na maalam sa ipinamalagi ninyo. Kaya magpadala kayo ng isa sa inyo kalakip ng salaping pilak ninyong ito sa lungsod saka tumingin siya kung alin doon ang pinakabusilak bilang pagkain saka magdala siya sa inyo ng isang panustos mula rito at magpakaingat-ingat siya. Huwag nga siyang magparamdam hinggil sa inyo sa isa man. Al-Kahf 18:19
Tafsīr:
Gaya ng ginawa Namin sa kanila kabilang sa binanggit Namin na mga kataka-taka sa kakayahan Namin, ginising Namin sila matapos ng isang yugtong matagal upang magtanong ang isa't isa sa kanila tungkol sa yugto na namalagi sila habang mga natutulog. Kaya sumagot ang iba sa kanila: "Namalagi tayong mga natutulog nang isang araw o isang bahagi ng isang araw." Sumagot naman ang iba pa sa kanila kabilang sa hindi nahayag sa kanila ang yugto ng pamamalagi nila habang mga natutulog: "Ang Panginoon ninyo ay higit na nakaaalam sa yugto ng pamamalagi ninyo habang mga natutulog, kaya magpaubaya kayo sa Kanya ng kaalaman niyon at magpakaabala kayo sa makatutulong sa inyo. Kaya magsugo kayo ng isa sa inyo kalakip ng mga pilak na salapi ninyong ito patungo sa nakagisnang lungsod natin, saka tumingin siya kung alin sa mga naninirahan doon ang higit na kaaya-aya sa pagkain at higit na kaaya-aya sa kinikita, saka magdala siya sa inyo ng pagkain mula roon, maghinay-hinay siya sa pagpasok niya, paglabas niya, at pakikitungo niya, maging mahusay siya, at huwag siyang magpabaya na may isang makaalam sa pook ninyo dahil sa ireresulta dahil doon na isang kapinsalaang mabigat.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Kahf • Talata 18 Susunod Al-Kahf • Talata 20