Gayon din, ipinatuklas sa kanila upang makaalam sila na ang pangako ni Allāh ay totoo at na ang Huling Sandali ay walang pag-aalinlangan doon. [Iyon ay] noong naghihidwaan ang mga ito sa pagitan ng mga ito sa nauukol sa kanila kaya nagsabi ang mga ito: “Magpatayo kayo sa ibabaw nila ng isang gusali. Ang Panginoon nila ay higit na maalam sa kanila.” Nagsabi ang mga nanaig sa usapin nila: “Talagang gagawa nga kami sa ibabaw nila ng isang patirapaan.” Al-Kahf 18:21 ⧉
Tafsīr:
Gaya ng paggawa Namin sa kanila ng mga gawaing kataka-takang nagpapatunay sa kakayahan Namin gaya ng pagpapatulog sa kanila nang maraming taon at paggising sa kanila matapos niyon, ipinabatid Namin sa kanila ang mga naninirahan sa lungsod nila upang malaman ng mga naninirahan sa lungsod nila na ang pangako Namin ng pag-aadya sa mga mananampalataya at ng pagbuhay ay totoo at na ang Araw ng Pagbangon ay darating nang walang duda hinggil doon. Kaya noong nabunyag ang lagay ng magkakasama sa yungib at namatay sila, nagkaiba-iba ang mga nakababatid sa kanila kung ano ang gagawin ng mga ito patungkol sa kanila. May nagsabing isang pangkat kabilang sa mga ito: "Magpatayo kayo sa pintuan ng yungib nila ng isang gusaling tatakip sa kanila at mangangalaga sa kanila. Ang Panginoon nila ay higit na nakaaalam sa kalagayan nila saka ang kalagayan nila ay humihiling na mayroon silang pagkatangi sa ganang Kanya." Nagsabi naman ang mga may impluwensiya kabilang sa mga walang kaalaman ni pahayag na tumpak: "Talagang gagawa nga kami sa ibabaw ng pook nilang ito ng isang patirapaan para sa pagsamba bilang pagpaparangal para sa kanila at pagpapaalaala sa pook nila."