maliban na [magsabing] loobin ni Allāh. Alalahanin mo ang Panginoon mo kapag nakalimot ka at sabihin mo: “Harinawang magpatnubay sa akin ang Panginoon ko para sa higit na malapit kaysa rito sa kagabayan.” Al-Kahf 18:24 ⧉
Tafsīr:
Maliban na isalalay mo ang paggawa nito sa kalooban ni Allāh sa pamamagitan ng pagsabi mo ng: "Gagawin ko ito – kung niloob ni Allāh – bukas." Alalahanin mo ang Panginoon mo sa pamamagitan ng pagsabi mo ng: "Kung niloob ni Allāh," kung nakalimot kang magsabi nito; at sabihin mo: "Umaasa ako na gumabay sa akin ang Panginoon ko para sa higit na malapit kaysa sa bagay na ito sa kapatnubayan at pagtutuon."