Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Kahf — Talata 26 (Tagalog) — Bidyo

Al-Kahf • Talata 26 sa 110 • Tagalog


قُلِ اللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا لَبِثُوا ۖ لَهُ غَيْبُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ أَبْصِرْ بِهِ وَأَسْمِعْ ۚ مَا لَهُمْ مِنْ دُونِهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا يُشْرِكُ فِي حُكْمِهِ أَحَدًا 26
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Si Allāh ay higit na maalam sa tagal ng ipinamalagi nila. Ukol sa Kanya ang [kaalaman sa] nakalingid sa mga langit at lupa. Kay husay ng pagkakita Niya at kay husay ng pagkarinig Niya. Walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik. Hindi Siya nagpapatambal sa paghahatol Niya ng isa man.” Al-Kahf 18:26
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "Si Allāh ay higit na maalam sa tagal ng ipinanatili nila sa yungib nila. Nagpabatid nga Siya sa atin ng yugto ng pananatili nila roon kaya walang masasabing ukol sa isa man matapos ng pagsabi Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Ukol sa Kanya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – ang anumang nakalingid sa mga langit at ang anumang nakalingid sa lupa sa paglikha at kaalaman. Kay husay ng pagkakita Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sapagkat Siya ay nakakikita sa bawat bagay. Kay husay ng pagkarinig Niya sapagkat Siya ay nakaririnig sa bawat bagay. Walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik na tatangkilik sa nauukol sa kanila. Hindi Siya nagpapatambal sa paghahatol Niya sa isa man sapagkat Siya ang namumukod-tangi lamang sa paghahatol."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Kahf • Talata 25 Susunod Al-Kahf • Talata 27