Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Kahf — Talata 31 (Tagalog) — Bidyo

Al-Kahf • Talata 31 sa 110 • Tagalog


أُولَٰئِكَ لَهُمْ جَنَّاتُ عَدْنٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهِمُ الْأَنْهَارُ يُحَلَّوْنَ فِيهَا مِنْ أَسَاوِرَ مِنْ ذَهَبٍ وَيَلْبَسُونَ ثِيَابًا خُضْرًا مِنْ سُنْدُسٍ وَإِسْتَبْرَقٍ مُتَّكِئِينَ فِيهَا عَلَى الْأَرَائِكِ ۚ نِعْمَ الثَّوَابُ وَحَسُنَتْ مُرْتَفَقًا 31
Pagsasalin:
Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga hardin ng Eden, na dumadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog, habang ginagayakan sila roon mula sa mga pulseras na ginto at nagsusuot sila ng mga kasuutang luntian mula sa manipis na sutla at makapal na sutla, habang mga nakasandal doon sa mga sopa. Kay inam ang pabuya at kay ganda iyon bilang pahingahan! Al-Kahf 18:31
Tafsīr:
Ang mga nailalarawang iyon sa [pagtataglay ng] pananampalataya at paggawa ng mga gawaing maayos ay ukol sa kanila ang mga hardin ng pananatili, na mananatili sila sa mga iyon magpakailanman. Dumadaloy mula sa ilalim ng mga tuluyan nila ang mga matamis na ilog ng Paraiso. Gagayakan sila roon ng mga pulseras mula sa ginto at magdadamit sila ng mga kasuutang luntian mula sa manipis na sutla at makapal na sutla. Sasandig sila sa mga sopang ginayakan ng mga marikit na tabing. Kay ganda ang gantimpala bilang gantimpala sa kanila at kay ganda ang Paraiso bilang tuluyan at bilang pinanatilihang pananatilihan nila!
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Kahf • Talata 30 Susunod Al-Kahf • Talata 32