Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Kahf — Talata 42 (Tagalog) — Bidyo

Al-Kahf • Talata 42 sa 110 • Tagalog


وَأُحِيطَ بِثَمَرِهِ فَأَصْبَحَ يُقَلِّبُ كَفَّيْهِ عَلَىٰ مَا أَنْفَقَ فِيهَا وَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا وَيَقُولُ يَا لَيْتَنِي لَمْ أُشْرِكْ بِرَبِّي أَحَدًا 42
Pagsasalin:
Pumaligid sa mga bunga niya [ang pagkawasak] kaya nagsimula siyang nagbaling-baling ng mga kamay niya [sa panghihinayang] sa ginugol niya roon, samantalang iyon ay gumuho sa mga balag niyon, at nagsasabi: “O kung sana ako ay hindi nagtambal sa Panginoon ko ng isa man!” Al-Kahf 18:42
Tafsīr:
Nagkatotoo ang inasahan ng mananampalataya sapagkat pumaligid ang kapahamakan sa mga bunga ng taniman ng tagatangging sumampalataya. Kaya nagsimula ang tagatangging sumampalataya na nagbaling-baling ng mga kamay niya dahil sa tindi ng panghihinayang at pagsisisi dahil sa mga salaping iniukol niya sa pagpapatayo niyon at pagsasaayos niyon. Ang taniman ay gumuho sa mga panukod niyon na ginagapangan ng mga sanga ng ubas. Nagsasabi siya: "O kung sana ako ay sumampalataya sa Panginoon ko lamang at hindi nagtambal kasama sa Kanya ng isa man sa pagsamba!"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Kahf • Talata 41 Susunod Al-Kahf • Talata 43