Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Kahf — Talata 46 (Tagalog) — Bidyo

Al-Kahf • Talata 46 sa 110 • Tagalog


الْمَالُ وَالْبَنُونَ زِينَةُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَالْبَاقِيَاتُ الصَّالِحَاتُ خَيْرٌ عِنْدَ رَبِّكَ ثَوَابًا وَخَيْرٌ أَمَلًا 46
Pagsasalin:
Ang yaman at ang mga anak ay gayak ng buhay na pangmundo samantalang ang mga nanatiling gawang maayos ay higit na mabuti sa ganang Panginoon mo sa gantimpala at higit na mabuti sa pag-asa. Al-Kahf 18:46
Tafsīr:
Ang yaman at ang mga anak ay kabilang sa ipinanggagayak sa buhay na pangmundo. Walang pakinabang sa yaman sa Kabilang-buhay maliban kung ginugol ito sa nagpapalugod kay Allāh. Ang mga gawa at ang mga salita na kinalulugdan sa ganang kay Allāh ay higit na mabuti sa gantimpala kaysa sa bawat anumang nasa Mundo na gayak. Ito ay higit na mabuting maaasahan ng tao dahil ang gayak sa Mundo ay maglalaho samantalang ang gantimpala sa mga gawa at mga salitang kinalulugdan sa ganang kay Allāh ay mananatili.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Kahf • Talata 45 Susunod Al-Kahf • Talata 47