Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Kahf — Talata 52 (Tagalog) — Bidyo

Al-Kahf • Talata 52 sa 110 • Tagalog


وَيَوْمَ يَقُولُ نَادُوا شُرَكَائِيَ الَّذِينَ زَعَمْتُمْ فَدَعَوْهُمْ فَلَمْ يَسْتَجِيبُوا لَهُمْ وَجَعَلْنَا بَيْنَهُمْ مَوْبِقًا 52
Pagsasalin:
[Banggitin] ang araw na magsasabi Siya: “Manawagan kayo sa mga katambal sa Akin na inangkin ninyo,” kaya tatawag sila sa mga iyon ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa kanila at maglalagay Kami sa pagitan nila ng isang [lambak ng] kapahamakan. Al-Kahf 18:52
Tafsīr:
Banggitin mo sa kanila, O Sugo, ang Araw ng Pagbangon kapag magsasabi si Allāh sa mga nagtambal sa Kanya sa Mundo: "Dumalangin kayo sa mga katambal sa Akin, na inangkin ninyo na sila ay mga katambal para sa Akin, nang sa gayon sila ay mag-adya sa inyo." Kaya dadalangin sila sa mga iyon ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa panalangin nila at hindi mag-aadya sa kanila. Maglalagay Kami sa pagitan ng mga tagasamba at mga sinasamba ng isang pagkakapahamak na makikibahagi sila roon, ang Apoy ng Impiyerno.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Kahf • Talata 51 Susunod Al-Kahf • Talata 53