[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa alila niya [na si Josue]: “Hindi ako lulubay [sa paglalakbay] hanggang sa umabot ako sa pinagtitipunan ng dalawang dagat o isang magpatuloy ako sa mahabang panahon.” Al-Kahf 18:60 ⧉
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa tagapaglingkod niyang si Josue na anak ni Nūn: "Hindi ako titigil maglakbay hanggang sa makarating ako sa pinagtatagpuan ng dalawang dagat o maglakbay nang isang matagal na panahon hanggang sa makatagpo ko ang lingkod na maayos para matuto ako mula sa kanya."