Nagsabi [kay Khiḍr si Moises]: “Susunod kaya ako sa iyo para magturo ka sa akin mula sa itinuro sa iyo bilang gabay?” Al-Kahf 18:66 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi sa kanya si Moises sa pagpapakumbaba at pagkamabait: "Susunod kaya ako sa iyo para magturo ka sa akin mula sa itinuro sa iyo ni Allāh na kaalaman na isang paggabay tungo sa katotohanan?"