Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Kahf — Talata 74 (Tagalog) — Bidyo

Al-Kahf • Talata 74 sa 110 • Tagalog


فَانْطَلَقَا حَتَّىٰ إِذَا لَقِيَا غُلَامًا فَقَتَلَهُ قَالَ أَقَتَلْتَ نَفْسًا زَكِيَّةً بِغَيْرِ نَفْسٍ لَقَدْ جِئْتَ شَيْئًا نُكْرًا 74
Pagsasalin:
Kaya humayo silang dalawa; hanggang sa nang nakasalubong silang dalawa ng isang batang lalaki ay pinatay niya iyon. Nagsabi [si Moises]: “Pumatay ka ba ng isang kaluluwang busilak nang hindi dahil [sa pagpatay nito] sa isang kaluluwa? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na pagkasama-sama.” Al-Kahf 18:74
Tafsīr:
Kaya humayo silang dalawa matapos ng pagbaba nilang dalawa mula sa daong para maglakad sa baybayin, saka nakakita silang dalawa ng isang batang lalaking hindi pa tumuntong sa pagbibinata, na naglalaro kasama ng mga batang lalaki. Pinatay iyon ni Al-Khiḍr kaya nagsabi sa kanya si Moises: "Pumatay ka ba ng isang kaluluwang malinis na hindi pa tumuntong sa pagbibinata nang walang anumang pagkakasala? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na minamasama!"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Kahf • Talata 73 Susunod Al-Kahf • Talata 75