Tunay na Kami ay talagang gagawa sa nasa ibabaw nito na isang lupang tigang. Al-Kahf 18:8 ⧉
Tafsīr:
Tunay na Kami ay talagang magpapanibagong-anyo sa nasa balat ng lupa na mga nilikha upang maging lupang hungkag sa mga halaman. Iyon ay matapos ng pagwawakas ng buhay ng mga nilikhang nasa ibabaw nito kaya magsaalang-alang sila niyon.