Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Kahf — Talata 80 (Tagalog) — Bidyo

Al-Kahf • Talata 80 sa 110 • Tagalog


وَأَمَّا الْغُلَامُ فَكَانَ أَبَوَاهُ مُؤْمِنَيْنِ فَخَشِينَا أَنْ يُرْهِقَهُمَا طُغْيَانًا وَكُفْرًا 80
Pagsasalin:
Hinggil sa batang lalaki, ang mga magulang niya ay mga mananampalataya kaya natakot kami na magpabigat siya sa kanilang dalawa ng isang pagmamalabis at isang kawalang-pananampalataya. Al-Kahf 18:80
Tafsīr:
Hinggil sa batang lalaking minasama mo sa akin ang pagpatay sa kanya, ang mga magulang niya ay mga mananampalataya at siya naman sa kaalaman ni Allāh ay isang tagatangging sumampalataya. Kaya nangamba kami na kung nagbinata siya ay baka magdala siya sa kanilang dalawa sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagmamalabis dahil sa kalabisan ng pag-ibig nilang dalawa sa kanya o dahil sa kalabisan ng pangangailangan nilang dalawa sa kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Kahf • Talata 79 Susunod Al-Kahf • Talata 81