Nagsabi sila: “O Dhulqarnayn, tunay na ang Gog at ang Magog ay mga tagagulo sa lupain. Kaya magtatalaga kaya kami para sa iyo ng isang gugulin para gumawa ka sa pagitan namin at nila ng isang saplad?” Al-Kahf 18:94 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi sila: "O Dhulqarnayn, tunay na ang Gog at ang Magog (tumutukoy sila sa dalawang kalipunang malaki kabilang sa mga anak ni Adan) ay mga tagagulo sa lupain dahil sa isinasagawa nila na pagpatay at iba pa. Kaya magtatalaga kaya kami para sa iyo ng yaman para gumawa ka sa pagitan namin at nila ng isang pangharang?"