[Nagsabi si Allāh:] “O Juan, kunin mo ang kasulatan nang may lakas.” Nagbigay Kami sa kanya ng paghahatol habang isang paslit pa, Maryam 19:12 ⧉
Tafsīr:
Kapa ipinanganak sa kanya si Juan. Saka noong umabot siya sa isang edad na makakausap siya ay nagsabi Kami sa kanya: "O Juan, kunin mo ang Torah nang may kasugiran at pagsisikap." Nagbigay Kami sa kanya ng pag-intindi, kasugiran, at pagtitika habang siya ay nasa edad ng pagkapaslit.